
Gumising ng maaga si Studio 7 host Christian Bautista kasama ang kaniyang kapatid na si Jordan, at mga kaibigan na sina radio DJ Gino Quillamor at Direk Mark Reyes para mapanuod ang first screening ng summer blockbuster movie na “Avengers: Endgame.”
Sa Instagram post ni Direk Mark, makikitang masayang nag-selfie ang apat pagkatapos mapanuod ang pelikula.
Ayon kay Mark, “Yes, that's the rising sun on my face.
Yes, waking up early to watch #avengersendgame was worth it. #geeksforlife”
Ngayong April 24 ang simula ng pagpapalabas ng “Avengers: Endgame” sa mga sinehan kung saan bibida muli sina Robert Downey Jr., Brie Larson, Chris Evans, Chris Hemsworth at marami pang iba upang kalabanin si Thanos.
#ThanosIsWatching: Celebs react to Russo brothers' plea to 'Avengers: Endgame' moviegoers
WATCH: 'Avengers: Endgame' Directors, may tip para paghandaan ang three-hour action movie