
Hinarana nina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Jeric Gonzales ang mga Davaoeño sa huling araw ng Kadayawan Festival sa Davao City.
Bago ang Kapuso Fans' Day sa Vista Mall Davao, sumakay muna ng Kapuso Float sina Alden at Jeric na bibida sa Start-Up Ph kasama sina Bea Alonzo at Yasmien Kurdi.
Pagkatapos ng float parade, mainit na sinalubong sina Alden at Jeric ng mga Davaoeño sa Vista Mall Davao kung saan pinakilig nila ang mga ito.
Excited na ang mga manonood sa world premiere ng Start-Up Ph lalong-lalo na noong ilabas ang unang teaser nito.
BAGO ANG INAABANGANG WORLD PREMIERE NG START-UP PH SA SEPTEMBER, BALIKAN MUNA ANG NANGYARI SA TAPING NG PROGRAMA RITO: