What's on TV

LOOK: Sunshine Dizon at Sheryl Cruz, pinabilib ang mga manonood ng 'Magkaagaw'

By Cara Emmeline Garcia
Published October 23, 2019 1:11 PM PHT
Updated October 23, 2019 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Sunshine Dizon Sheryl Cruz hinangaan ng mga manonood ng Magkaagaw


Umani ng papuri ang paghaharap ng mga karakter nina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz sa bagong GMA Afternoon Prime series na 'Magkaagaw.'

Nagkaharapan na sa unang pagkakataon ang mga karakter nina Sheryl Cruz at Sunshine Dizon sa bagong GMA Afternoon Prime soap na Magkaagaw.

Sunshine Dizon at Sheryl Cruz
Sunshine Dizon at Sheryl Cruz

Sa second episode, tampok ang pagpapakilala ng dalawang Mrs. Santos sa harap ni Mario, ang karakter ni Alfred Vargas sa soap.

WATCH: Second full episode ng 'Magkaagaw'

Bidang-bida sa mga netizens ang angking galing sa pag-arte ng dalawa lalo na kay Sunshine, na naging usap-usapan online.

Kaya naman ang ilan, lumabas ang pagiging instant fan ng dalawang batikang aktres.

Ang isa pang fan, natuwa sa pinakitang Bisaya accent na ginagamit ni Sunshine para sa kanyang karakter bilang Laura.

Habang ang ilan, naiyak rin sa mga eksenang napanood nila on-screen.

Huwag palampasin ang paghaharap nina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz sa Magkaagaw, Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.