
Hindi maitatanggi ang loyalty at pagmamahal ng mga Xanderettes para sa kanilang idol na si Alexander Lee. Nang dumating nga ang South Korean Actor sa Pilipinas last July 22, maraming Xanderettes ang naghintay sa airport para lang salubungin si Alexander.
WATCH: Alexander Lee, grateful for the warm welcome of his Pinoy fans
Alam n'yo ba na mayroon ding Kapuso actress na super fan ni Alexander? Siya ay walang iba kung hindi si Thea Tolentino. Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Thea, binahagi niya ang kaniyang unang ginawa nang mabalitaan niyang magiging Kapuso na ang iniidolo niya.
Aniya, "Kasi 'yung production ng My Korean Jagiya, 'yung production din ng The Half Sisters so text kaagad ako tapos ayan na [sabi ko] kailangan ko siyang makilala."
High school pa lang daw siya ay fan na siya ng K-pop boy band na U-Kiss kung saan naging dating miyembro si Alexander. Dagdag pa ni Thea na sa dinamirami ng miyembro ng U-Kiss, si Alexander daw talaga ang pinaka-crush niya rito.
"May charm siya 'eh, ang gusto ko talaga si Alexander, number one siya. Siya talaga 'yung tinitingnan ko palagi sa U-Kiss," wika ni Thea.
Natupad ang pangarap ni Thea na makilala si Alexander nang mag-courtesy call ang South Korean actor sa GMA Network ngunit pag-amin ni Thea na magkahalong kaba at excitement daw ang kaniyang naramdaman bago makita si Alexander.
"Kinakabahan ako, buti nga nakatulog ako kagabi, 'pag pumupunta ako rito sa GMA, usually normal lang. Pero ngayon, nag-ayos ako ngayon [laughs]," biro ng Haplos star.
Abot tenga naman ang ngiti ni Thea nang nakipag-selfie siya kay Alexander.