
Hindi lang sa pag-arte magaling ang Kapuso teen star na si Bruce Roeland dahil pati sa eskuwela ay nakatanggap din siya ng recognition.
Pinarangalan si Bruce bilang honor student ng San Beda University Rizal Campus.
"Sulit ang pagod, Ciao grad 9..." sulat ni Bruce sa caption.
Sa isang panayam, sinabi ni Bruce na sobrang saya niya dahil nakabalik siya sa listahan ng mga honor students.
"Masayang masaya po kasi last year 'di po ako umabot sa top-10," saad ni Bruce.
IN PHOTOS: Meet 'TODA One I Love' star, Bruce Roeland
Bumuhos naman ang pagbati mula sa kaniyang TODA One I Love co-actors na sina David Licauco, Tina Paner at Raymond Bagatsing at sa direktor nito na si Jepoy Hidalgo.
Mapapanood si Bruce sa 'TODA One I Love' gabi-gabi pagkatapos ng Sahaya.