Ilang beses nang ipinasilip ni Kapuso actress Heart Evangelista sa kanyang Instagram account ang isang upuan na pinipintahan niya.
Bukod sa pagpinta dito, nilagyan din niya ito ng ilang floral appliques bilang dagdag na disenyo.
Ang upuang ito ay para pala sa exhibit na Philux Fix kung saan kinumisyon ng furniture company ang iba't ibang mga personalidad na lagyan ng kanilang personal touch ang ilang furniture pieces.
Bukod kay Heart, nag-customize din ng kani-kanilang mga furniture para sa exhibit sina Tessa Prieto-Valdes, Karen Davila, Pam Quinones, Bianca Gonzales at Stephanie Zubiri.
Silipin ang upuang pinintahan ni Heart sa exhibit ng Philux Fix na gaganapin sa SM Mega Fashion Hall mula February 23 hanggang 26.
MORE ON HEART EVANGELISTA:
LOOK: Heart Evangelista moves into new home
WATCH: Will Heart Evangelista finally have a baby this 2017?
Photos by: @iamhearte(IG)