
Pak na pak ang pose ng mga celebrities na maglalaban-laban sa 'Superstar Duets.'
Mga Kapuso, mayroon na naman kayong dapat subaybayang show na tiyak magpapaligaya ng Saturday nights ninyo, ang Superstar Duets! Hindi lang ito puro biritan dahil may tawanan din.
Silipin ang mga contestants ng Superstar Duets na nag-pose ng wacky habang nasa pictorial.
Nag-uumapaw sa talento ang mga kalahok ng show na sina Pekto, Joross Gamboa, Jerald Napoles, Rita Daniela, Denise Barbacena, Nar Cabico, Divine Grace Aucina at Osang.
Abangan ang celebrity singing competition kung saan mas bongga kapag dalawa, Superstar Duets!
WATCH: 'Superstar Duets,' ngayong September na!