
Lubos ang pasasalamat ni Kris Aquino kay Willie Revillame. Binisita kasi ng Wowowin host ang anak niyang si Josh na isa niyang tagahanga.
Patuloy na nagpapagaling si Josh sa kanilang bahay nang dalawin siya ni Kuya Wil. Matatandaang kamakailan ay na-ospital ito sanhi ng erosive esophagitis due to severe acid reflux and ulcers.
Ibinahagi ni Kris ang ilang kuhang video at litrato ng pagtatagpo ng Wowowin host at ng kanyang panganay. Mapapansin ang kaligayahan ni Josh nang makita ang kanyang idolo na may dala pang jacket para sa kanya.
Sambit ni Kris, “Sa gitna ng gulo po sa ating bansa- this is real. This is love... Thank you to Willie Revillame for the effort to make our kuya josh feel genuine happiness.”