
"Ang kapalaran mo e nasa kamay mo. Ipinagkaloob ng Diyos sa 'yo kaya dapat gamitin mo ng tama." - Bitoy
Today, December 17, Michael V turns a year older and wiser too.
In his Instagram post, he ponders on being successful despite one's appearance, stature in life, and other people's influence.
Read his post below and learn a thing or two on how to be truly successful:
"Taken during my grade school days. I'm sure napa-LOL kayo sa itsura ko!
Back then, hindi ko naisip na magkakatotoo lahat ng mga pangarap ko. Mahirap lang kami pero alam ko, masaya at masuwerte ako. Binigyan ako ng mapagmahal na pamilya, mga kaibigang mapagkakatiwalaan at talentong maaasahan.
Wala pala sa itsura ang success. Wala sa impluwensya. Wala sa ibang tao.
Ang kapalaran mo e nasa kamay mo. Ipinagkaloob ng Diyos sa 'yo kaya dapat gamitin mo ng tama. 'Yung mga bagay na kailangan mo, 'binibigay Niya sa 'yo. 'Yung mga bagay na hindi mo kailangan, madalas ikaw lang ang may gusto.
47 years old na ako today. May sarili na 'kong mapagmahal na pamilya, nadagdagan na ang mga kaibigang mapagkakatiwalaan at nagamit ko ng tama ang talentong maaasahan.
Bata pa lang nangangarap na 'ko. Ngayon, nag-iba na mga pangarap ko pero hindi pa rin ako tumitigil mangarap. Kasi alam kong 'yung mga pangarap ko e ako lang ang nagmamay-ari at hindi maa-agaw ng kahit sino.
Kahit ganito pa ang itsura mo."
READ: MUST-READ: Michael V's daughter sends him a touching birthday message
Happy birthday, Bitoy!