
Masayang ibinalita ni Yasmien Kurdi na magtatapos na siya sa kursong Political Science mula sa Arellano University sa 2019.
READ: Yasmien Kurdi, nakatanggap ng papuri mula sa isang veteran actress para sa 'Cain at Abel'
Ayon sa post ng Kapuso actress, matatapos na sa wakas ang matagal niyang pinagpaguran, lalo't sinabay niya ang pagkokolehiyo sa pag-aartista.
"Sa tinagal-tagal ko sa kolehiyo, sa lahat ng hirap, puyat na pinagdaanan ko sa buhay para lang makapag-aral habang nagtatrabaho para itaguyod ang aking pamilya, sa dami ng nakuha kong units sa mga kurso na parang nakapag masteral nako lol! Finally! malapit na ko gumradweyt," sulat niya sa caption.
Dagdag pa ng StarStruck alumna, "Sobrang excited na talaga ako pag naiisip ko na malapit nako mag marcha, at matutupad na ang matagal ng pinapangarap ko at ng aking nanay. Mama! malapit na pooo, pasensya na at na late ako. Maraming Salamat Sir Ariel Bautista sa pag gabay samin sa Thesis, salamat sa mahabang pasensya niyo po sa amin hehe. Thank you Sir Bless and Adrian, kahit anong gisa sa amin ng panel, hindi ako susuko Ngayon pa ba?! Hehe. Pag pasensyahan niyo na, masaya lang talaga ako."
Sa kanyang IG Stories, pinakita rin ni Yas ang kaniyang Application for Title or Degree. Inanunsyo na rin niyang sa April 6 ang kaniyang graduation sa PICC.
Bago ang Political Science, kumuha rin siya ng Nursing sa Global City Innovative College at Foreign Service sa New Era University.