
Matapos paslangin ng karakter ni Neil Ryan Sese na si Asval sina Sang'gre Lira at Mira sa nakaraang episodes ng Encantadia, tiyak na inaabangan ng viewers na makaharap niya ang mga magulang ng roles nina Mikee Quintos at Kate Valdez.
EXCLUSIVE: Gabbi Garcia reacts to Lira and Mira's death in 'Encantadia'
Sa Kapuso telefantasya, si Ruru Madrid ang nagbibigay buhay kay Ybrahim na tumatayong ama ni Lira at si Glaiza de Castro naman ang gumaganap kay Sang'gre Pirena, ang ina ni Mira. Dahil sabik na sabik na ang Encantadiks na mapanood ang paniningil nina Ybrahim at Pirena kay Asval, nagbigay muna ng pasilip ang Encantadia cast members sa pinakahihintay na eksena.
"Awkward moment. Move on na tayo guys," saad ni Neil Ryan sa kanyang Instagram post.
MORE ON ENCANTADIA:
Neil Ryan Sese a.k.a. Asval ng 'Encantadia, under "house arrest"
READ: Encantadiks, umaapoy sa galit kay Asval dahil sa pagpatay kina Lira at Mira sa 'Encantadia'
EXCLUSIVE: Mikee Quintos and Kate Valdez's unforgettable moments in 'Encantadia'