
Bongga ang susunod na guest sa paborito ninyong Sunday night kid’s fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko dahil malapit niyo nang mapanood ang one half ng phenomenal love team ng Eat Bulaga.
Tiyak tutukan nang buong AlDub nation ang pag-guest ng Pambansang Bae Alden Richards sa show na pinagbibidahan ng veteran actress na si Ms. Gloria Romero.
Ipinasilip sa Instagram account na @randomrepublika ang ilang mga eksena ng Kapuso actor na kinunan sa Cavite.
Heto naman ang ilan sa behind-the-scenes video sa shooting ng Daig Kayo Ng Lola Ko.
Huwag bibitaw sa mas lalong gumagandang mga kuwento ni Lola Goreng sa Daig Kayo Ng Lola Ko pagkatapos ng Hay, Bahay! sa panalong Sunday Grande ng gabi!