What's Hot

Looking Back on Dear Friend

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 20, 2020 10:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Massive Mindanao earthquake leaves trail of destruction in Davao Occidental town
After Sarangani quake: NIR keeps close eye on active faults
8 ways to shift to intentional living

Article Inside Page


Showbiz News



After a successful year para sa 'Dear Friend,' find out kung ano ang mga naging memorable moments ng show para kina Marvin at Jolina.
Pagkatapos ng isang napaka-successful na taon para sa 'Dear Friend,' inalam ng iGMA from its hosts kung ano ang mga naging memorable moments nila sa show. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. You've probably seen the Christmas episode presentation of Dear Friend, where Jolina Magdangal went through a lot of firsts: first time maging may asawa at first time magkaroon ng anak. But why is this particular episode the one that's most memorable to Marvin Agustin and Jolina? stars"Siyempre parang ang dami kong ginawa [sa] episode na 'to eh," sagot ni Jolina. "Nag-host, nag-acting—" "This is the best episode," cut in ni Marvin. To which Jolina adds, "Pero every story na ginagawa namin ni Marvin, lalo kung nagkakaroon kami ng mga debate—gustong-gusto ko 'yan." Sa format ng Dear Friend, hindi maiiwasan ang mga debate between Marvin and Jolina, lalo pa't pareho silang nagbibigay ng advice at hindi naman sila palaging nagkakapareho ng pananaw. Pero according to them, this is what they love about the show. So iGMA had to ask, sa lahat ng advice na naibigay ng isa't-isa, ano ang pinaka-nagustuhan nila? Jolina says, "Kay Marvin basta tungkol sa family, 'yung kung papaano iha-handle 'yung family or 'yung kung mga anak papano palalakihin, or kung papano idisiplina ng magulang 'yung anak. 'Yun 'yung mga natutuwa ako na nag-aadvice siya eh, kasi nakikita mo na alam mong pinagdadaanan niya iyon at tsaka kumbaga alam niya na 'yung mga dapat gawin. Nararamdaman mo na kaya niya nasasabi 'yun kasi hands-on siya dun sa mga anak niya." starsMeanwhile, ang gusto ni Marvin sa mga naibigay na advice ni Jolina ay 'yung mga tungkol pagtatanggol niya sa mga babae. "Talagang to the point na inaaway na niya ako. Sinusuntok na niya ako sa ilalim ng mesa!" To which Jolina says, "Uy! 'Di naman!" "Kinukurot niya ako," tuloy ni Marvin. "Which only proves na talagang si Jolina, 'yung values niya bilang isang babae, buong-buo." "Bolahan na 'to, yesss!" natatawang pahayag ni Jolina. Ikaw? Alin sa mga Dear Friend episodes ang nagustuhan mo? And do you agree sa mga advice na ibinibigay nila sa show? Make yourself heard sa iGMA Forums! And don't forget to watch Dear Friend every Sunday afternoon pagkatapos ng SOP. If you want advice from Jolina and Marvin, just text JOLINA or MARVIN to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk 'N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)