Dalawang bigating bituin ang spotted sa set ng Bubble Gang ngayong Lunes, November 21 sa GMA Network studios.
Dumalaw ang Eat Bulaga stars na sina Maine Mendoza at Alden Richards sa set ng numero uno na gag show sa Pilipinas at nakisalamuha ang mga ito sa mga stars ng show, tulad na lang ng Kapuso comedy genius at Bubble Gang veteran na si Michael V.
Photo by: Michael Paunlagui, GMA Network Inc.
Ano kaya ang dahilan ng pagbisita nina Alden at Maine sa set ng Bubble Gang?
Malapit niyo nang malaman ang sorpresang handog ng AlDub, mga Kapuso, kaya tumutok lang sa 21st anniversary offering ng gag show. Isang two-part TV special ang mapapanood niyo sa darating na November 25 at December 2 na tinawag nilang ’21 Gang Salute.’
Ilang tulog na lang 'yan, mga Kababol!
MORE ON'BUBBLE GANG':
#Throwback: 20 Bubble Gang comediennes we terribly miss
Michael V gunning for another comedy actor trophy in the 2016 Asian Television Awards
WATCH: Michael V's 'Pen Pineapple Apple Pen' video hits 2.7M views in less than a week