GMA Logo loonie and francis m
What's Hot

Loonie remembers Francis M as a great mentor

By Nherz Almo
Published December 29, 2023 9:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd at Grand Parade, Ritual Showdown hits 3.3M
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE
24 Oras Weekend Express: January 18, 2026 [HD]

Article Inside Page


Showbiz News

loonie and francis m


Loonie: “Kung hindi ko na-meet si Francis M, hindi ko mare-realize yung potential ko.”

Bago naging isang rap artist, nakilala muna si Loonie bilang apprentice noon ng yumaong King of Pinoy Rap na si Francis Magalona.

Sa ginanap na launch ng bago niyang album na Meron Na kamakailan, naikwento ni Loonie, o Marlon Peroramas sa tunay na buhay, kung gaano kalaki ang naging impluwensiya ni Francis M--hindi lang sa kanyang music career kundi pati sa personal na buhay.

“Sobrang laki talaga. Hindi na kailangang gawin mas obvious,” panimula ni Loonie.

“Kung hindi ko na-meet si Francis M, hindi ko mare-realize yung potential ko na makaabot sa ganitong stage. Si Kuya Kiko, more than rap yung natutunan ko sa kanya, parang beyong rap--how you carry yourself, how you answer interviews, how you deal with difficult people, kung paano makisama. So, yun yung mga soft skills na-impart niya sa akin, more than the rap part.”

A post shared by Marlon Loonie Peroramas (@loonieverse)

Pinatunayan din ng dating protégé ni Francis M kung gaano kahusay ang tinagurian Master Rapper ng Pilipinas.

“Although lagi kaming nag-uusap about rap… kasi talagang rap nerd si Kuya Kiko. Idol niya sina Rakim, Nas, mga OGs ng rap. Kumbaga, well-versed siya kahit na ganun na yung edad niya, updated pa rin siya.

“In a way, parang ako rin ang taga-update niya noong sa mga bagong rap na lumalabas. So, magkaibigan talaga yung turingan namin. Hindi lang siya yung parang 'bata kita,' amo ko siya. Kung paano niya ako ituring, talagang equal. Yun siguro yung parang nakuha ko sa kanya, to treat everyone equal.”

Kaya naman napaisip nang bahagya si Loonie nang tanungin kung kanino siya humihingi ng advice kung kinakailangan.

“Sino pa ba nag-advice sa akin… wala na, e,” sagot niya.

“Ang huli lang talagang nag-a-advice sa akin ay si Francis M lang talaga. Ngayon, ako lagi ang hinihingan ng advice.

“Kapag kailangan ng advice, wala akong mahingan ng advice. Inaalala ko lang yung mga dati, yung mga mali ko, yun ang pinakamagagaling kong teachers. Mine-make sure ko lang na di ko na uulitin ang mga yun.”

Nakalulungkot isipin na hindi na naabutan ni Francis M ang pag-angat ni Loonie sa industriya. Pumanaw siya noong 2009 sa edad na 44 dahil sa sakit na leukemia.

Bukod dito, wala ring nakapag-guide sa nakababatang rapper noong nagsisimula pa lamang siya sa kanyang music career.

Sa parehong event, nabanggit ni Loonie na minsan siyang naloko kaya tila nawalan siya ng ganang sundan agad ang nauna niyang album na Ultrasound (2013).

“After ng release ng Ultrasound noong 2013, hindi pa ako ganun ka well versed sa in and out ng music industry. After that album, ang daming mga heartbreak, disappointments, and unmet expectations. Tulad ng hindi ko alam na yung kanta kong 'Tao Lang' hindi pala ako ang may-ari.

“Kumbaga, marami akong pinagdaanang managers, mga handlers, na nag-take advantage ng pagiging inosente ko sa business side ng music industry. Kasi, during that time, naka-focus talaga ako sa art side kasi hindi naman talaga ako businessman.

“…So, during that time, nahinto ako na gumawa ng music kasi hindi ko nakikita na nagme-make sense na gagawa ka ng music 'tapos hindi mo pwedeng i-upload sa sarili mong channel. Iba yung kikita, iba yung yayaman.

“So, during that time, mas pinili kong mag-dabble sa battle rap. Iba't ibang venture ang pinasok ko, which is connected pa rin sa ginagawa kong rap. Battle rap music, nag-act ako. Mas in-enjoy ko lang siguro yung mga by-products ng pagiging rapper ko instead na i-chase ko yung album dreams.”

A post shared by Marlon Loonie Peroramas (@loonieverse)

Sa ngayon, masaya si Loonie dahil nakahanap siya ng isang talent management na binibigyan siya ng kalayaan na gawin ang mga gusto niyang gawin.

Aniya, “Yung ibang labels kasi, di nagme-make sense yung offers nila. Dito sa Believe [Music PH] kasi, they let me in charge of bookings, merch, di sila nakikialam. Kumbaga, nandun pa rin ang pagiging independent pero sinusuportahan ka nila. Although hindi ito ang lone reason kung bakit ako gumawa ulit ng album, malaking percentage ito kung bakit ako na-inspire na gumawa ulit ng album this year.”

Ang 12-track album ni Loonie na Meron Na ay may carrier single na "Pamanggulo.”