
Todo na ang tawanang hatid nina Barak at Stacy sa part two ng Daddy's Gurl summer special this April 6!
Mapapasabak sa matinding adventure sina Stacy (Maine Mendoza) at kaniyang mga kaibigan matapos silang mapadpad sa Isla ng Waganda.
Makabalik pa kaya sila sa sibilisasyon o tuluyan na silang mapahamak sa kamay ng tribo nina Abat (Boobsie Wonderland) at Onak (Clint Bondad)?
Ibsan ang init ng summer season sa kulitan na mapapanood sa Daddy's Gurl lalo na at makikigulo ang Kapuso comedienne na si Boobsie Wonderland at Kapuso hottie na si Clint Bondad!
Huwag magpatumpik-tumpik at umuwi ng maaga para sa unli-tawanan na handog ng Daddy's Gurl this Saturday night pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.