GMA Logo Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Lotlot de Leon and family, makakaharap ang Aquino family sa masayang labanan sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published July 9, 2026 3:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Directive to Abalos: Go around PH to represent Marcos
Crocodile released back into Liguasan Marsh after rehabilitation
Ang Kulay ng Dangal at Pag-ibig: The Philanthropist's Journey to the True Color of Art

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Abangan ang exciting family showdown ngayong July 9 sa 'Family Feud!'

Magsasama-sama ang de Leon family at Aquino family sa pagpapatuloy ng week-long family special ng Family Feud bilang bahagi ng campaign na "More tawa, more saya kasama ang buong pamilya."

Sa team na Lotlot & Family ay ang mga anak at apo ng National Artist na si Nora Aunor. Pangungunahan ang team ni Lotlot de Leon, na mapapanood din sa isang upcoming GMA drama series. Kasama niya ang kapatid na si Matet de Leon na huling napanood sa Apoy sa Dugo at ngayon ay matagumpay na rin bilang online entrepreneur.

Maglalaro rin ang kanilang non-showbiz brother na si Kenneth de Leon at ang bunsong anak ni Lotlot na si Maxine Gutierrez.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Sa kabilang panig naman ang Aquino family na isa sa mga pinakakilalang pamilya sa bansa pagdating sa public service at national history.

Pangungunahan ang grupo ni Jackie Aquino, ang actress, TV and radio host, at producer na anak ng dating senador at human rights advocate na si Butz Aquino. Kasama rin sa team ang architect na si Dan Aquino, anak ni Maur Aquino Lichauco, ang panganay na kapatid ng dating senador na si Ninoy Aquino.

Kukumpleto sa kanilang grupo sina Dennis Aquino na kabilang sa crop science industry at kuya ni Senator Bam Aquino, at Bobby Aquino, isang corporate executive at kapatid ni Jackie.

Abangan ang tapatan ng mga kilala at respetadong pamilya sa fresh episode ng Family Feud ngayong July 9, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.