What's Hot

Lotlot de Leon at John Arcilla, humihingi ng dasal para sa manager nilang si Tita Angge

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 26, 2020 12:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Thieves drill into German bank vault and make off with millions
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News



Please pray for Cornelia Lee.


Simula nang isugod sa ospital noong Sabado ay lumalaban pa rin para sa kanyang buhay ngayon ang talent manager na si Cornelia Lee na mas kilala bilang si Tita Angge. Kaya naman, ang kanyang mga alagang sina Lotlot de Leon at John Arcilla ay humihingi ng dasal para sa kanya.

Isa si Lotlot sa mga unang bumisita kay Tita Angge sa Cardinal Santos Memorial Medical Center dahil parang nanay na rin ang turing niya rito.

Wika niya sa panayam ng 24 Oras, "Mino-monitor pa rin po ang kondisyon ni Tita Angge. So sa ngayon po sa pagkakaalam ko, sa pagkakasabi ng mga doctor, kasi si Sylvia [Sanchez] po ang talagang close in contact with the doctors of Tita Angge na talagang sa ngayon po dasal lang talaga ang magagawa para sa kanya."

Nagulat naman ang That's My Amboy actor na si John Arcilla nang malamang sinugod sa ICU ang kanyang manager dahil magkasama pa sila nitong Biyernes at Sabado.

"We're still hoping, nag-aano pa kami ng miracle 'di ba. Miracle talaga. Talagang ang hirap isipin na miracle na nga lang ang hinahanap namin, bigay-diin ng aktor."

Hindi pa rin nagigising si Tita Angge at nananatili sa kritikal na kondisyon. Parehong nanawagan sina Lotlot at John na ipagpatuloy ang pagdarasal para sa kanilang manager.

"Una sa lahat, sa nakakakilala kay Tita A, sa mga nakatrabaho niya sa industriya, kilala niyo naman siya, alam naman natin na napakabait ding tao ni Tita Angge at napakarami niyang natulungan at isa na rin ako doon, sana po ipagdasal natin na bumuti kalagayan niya," mensahe ni Lotlot.

"Ilinalagay namin sa Diyos 'yung kanyang will pero at the same time ang mas idinadasal ko 'yung para sa maiiwan, kung paano tatanggapin. Ang family kasi ni Tita A sobrang close na close sa kanya, so 'yun," dagdag naman ni John.

Ayon sa mga naunang ulat, dead on arrival na raw si Tita Angge nang dumating sa ospital ngunit na-revive ng kanyang attending physicians. Maaaring ang kanyang kondisyon ay sanhi ng kanyang inirereklamong ng pananakit sa kanyang dibdib.