
Sina veteran actress Lotlot de Leon at Kapuso star Lexi Gonzales ang bibida sa brand-new episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Gaganap sila bilang mag-ina sa episode na pinamagatang "Anak Kong Social Media Addict."
Si Lotlot ay si Belen, solo parent na may apat na anak. Si Lexi naman ay si Ella, nag-iisa niyang anak na babae na babad sa social media.
May pagkarebelde si Ella at nang maglalayas ito mula sa kanila, mababaling sa kanyang mga kuya ang isang matinding akusasyon.
Ang social media ba ang sisira sa pamilya Belen?
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand-new episode na "Anak Kong Social Media Addict," September 5, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.