What's Hot

Lotlot de Leon at Matet de Leon, ikinuwento kung paano maging anak ni Nora Aunor

By ANN CHARMAINE AQUINO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 9:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Kahit busy ang Superstar, hindi niya pa rin pinapabayaan ang kanyang mga anak. 


Nitong Sabado (May 7) sa Sarap Diva, ibinahagi ng magkapatid na sina Lotlot de Leon at Matet de Leon kung paano maging anak ng Superstar na si Nora Aunor.

 

A photo posted by Gil (@ategay08) on

 

Kuwento ni Matet, "Dumating kasi ako sa buhay nila Ate Lot, nila Mommy, 'yun 'yung panahon na superstar ay putok na putok. Ang mga pelikula niya, sunod sunod so lagi siyang wala."

Kahit busy ang Superstar, hindi niya pa rin pinapabayaan ang kanyang mga anak. 

"'Pag andiyan naman si Mommy, ramdam ko naman ang presensya niya kasi may mga ginawa ako habang wala siya," natatawang kuwento ni Matet.

Sa pagdidisiplina hindi raw masermon ang kanilang ina. 

Saad ni Matet, "Tatawagin niya lang ako, papasok ako ng kuwarto, titingnan niya ako ng ganyan iiyak na ako. Kasi alam ko nagalit siya. Kasi alam ko may nagawa din ako."

Dagdag ni Lotlot, "Kumbaga, tingnan ka pa lang niya alam mo na, ,naku lagot. dasal."

MORE ON LOTLOT DE LEON AND MATET DE LEON:

LOOK: Throwback photo of siblings Lotlot de Leon, Matet, and Ian de Leon

Sino ang nag-"hack" sa Instagram account ni Matet de Leon?