GMA Logo Lotlot de Leon, Janine Gutierrez, Jericho Rosales
Source: ms.lotlotdeleon (IG), janinegutierrez (IG)
What's on TV

Lotlot de Leon, boto kay Jericho Rosales para sa anak na si Janine Gutierrez

By Kristian Eric Javier
Published September 5, 2026 10:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magkakapatid na OFW, bakit sabay-sabay napauwi ng Pilipinas? | GMA News Feed
KALURKS!: Aiai Delas Alas at Kim Ji-soo, makakasama sa chismisan! (Episode 1 Teaser)
Kelsey Merritt, Alex Eala share a hug at New York Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Lotlot de Leon, Janine Gutierrez, Jericho Rosales


Inilarawan ni Lotlot de Leon bilang “a wonderful man” si Jericho Rosales, ang boyfriend ng anak niyang si Janine Gutierrez.

Gustong-gusto ni Lotlot de Leon para sa kaniyang anak na si Janine Gutierrez ang boyfriend nitong si Jericho Rosales.

Sa katunayan, inilarawan pa ng beteranang aktres ang aktor bilang “a wonderful man.”

Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, September 4, binalikan din ni Lotlot kung paano niya nalaman na boyfriend na ni Janine si Jericho, o Echo.

Ayon sa batikang aktres, magkatrabaho sila noon sa isang serye sa ABS-CBN nang malaman niyang nagkakamabutihan na ang dalawa.

“Kami muna ni Echo ang magkakasama sa Atok, sa Benguet. Siyempre, hindi ko naman iniisip na ito pala ang magiging Kapuso at kapamilya ng anak ko, 'di ba? But you know, he's been nothing but wonderful to us,” sabi ni Lotlot.

Sinabi na rin noon ni Janine na mag-boyfriend na sila ni Echo. Para kay Lotlot, hindi naman kailangang humingi ng pahintulot sa kaniya ng anak dahil nasa tamang edad na ito.

“Kung ano man ang desisyon ng anak ko, I'd like to think that I raised my daughter with a good heart, hopefully she makes the best decisions for herself, and I trust her, I trust her very much,” sabi ni Lotlot.

Dagdag pa ni Lotlot, kung sakaling sabihin nina Janine at Echo na magpapakasal na sila, handa na siyang tanggapin ito.

“Handa ako, handa ako. Handa na ako du'n, matagal na,” ani Lotlot.

Taong 2024 nang magsimulang mag-date sina Janine at Jericho. Una rin silang nagkakilala umano sa parehong seryeng binanggit ni Lotlot. Hindi nagtagal, kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon sa publiko.

Sa pagbisita naman ni Jericho sa parehong GMA Afternoon Prime talk show noong October 2025, ipinahayag ng aktor kung gaano siya kaswerte na maging boyfriend ni Janine dahil sa suporta at pagmamahal na ibinibigay nito sa kaniya.

“I think right now, I'm pouring all of the lessons into this relationship. Janine is the recipient of my humility, my honesty, and my excitement for sharing great things together. And the maturity, I think 'yun 'yun. That's why, maybe, she enjoys the 10-year gap,” sabi ni Jericho.

Panoorin ang panayam kay Lotlot dito:

BALIKAN ANG SLAY LOOKS NI JANINE SA NEW YORK FASHION WEEK NOONG 2020 SA GALLERY NA ITO: