What's on TV

Lotlot de Leon, ikinuwento ang naging reaksyon ng mga anak sa kanyang fiancé na si Fadi El Soury

By Maine Aquino
Published August 20, 2018 7:58 PM PHT
Updated August 20, 2018 8:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sofia Pablo, Allen Ansay, Shuvee Etrata, more stars grace 'Huwag Kang Titingin' premiere night
Komosyon, nagluntad sa tunga sang mga bolantero kag clearing team sang LGU | One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News



Malaking pasasalamat ni Lotlot de Leon sa kanyang mga anak: "Parang lahat ng naging mali sa buhay ko, sila ang nagtama. Sila lang talaga...Kung if I had more to give, I would for my children."

Diretsahang sinagot ni Lotlot de Leon kung ano ang reaksyon ng kanyang mga anak sa kanyang engagement kay Fadi El Soury.

Kuwento ni Lotlot sa Sarap Diva nitong August 21, "It's an answered prayer... kasi alam ko naman na with them, it was also kind of difficult kasi nasanay sila na ako lang. Ako lang 'yung pinupuntahan nila, ako lang 'yung kasama nila lagi."

IN PHOTOS: Meet Fadi El Soury, Lotlot de Leon's Lebanese fiancé

Pagdating umano ni Fadi sa kanilang buhay ay hindi ito agad naging maayos. Ngunit hindi nagtagal ay naging okey rin ang naging relasyon ni Fadi sa mga anak ni Lotlot na sina Janine, Jessica, Diego at Maxine.

Extra special po ang Mother's Day para sa akin kase Kanina po ay tumangap ako ng isang parangal mula sa Guillermo Mendoza Memorial Awards para sa aming pelikula na #1stSem. ❤️ Maraming maraming Salamat po!!! Sa unang pagkakataon kapiling ko mga anak ko habang tinatangap ko ito kaya sobrang saya ko at sobrang kinabahan po ako! Salamat mga anak for coming with me. I love you kids very much! ❤️❤️❤️Para din po ito sa mga director ko na napakahuhusay, Direk @dexterslabph and @allanmichaelibanez at sa buong #1stSemTeam, Dannon Clothing para sa lahat ng supporta.. thank you!!! Papa God Salamat po!!! 🙏🌷❤️ Happy Mother's Day po ulit sa lahat ng mga nanay!

A post shared by Balotski ☀️🌝💫 (@ms.lotlotdeleon) on

"When Fadi came, it was medyo, hindi naman kami magsisinungaling at sasabihin na everything went smoothly. There was a getting-to-know-you phase in the lives of my kids with Fadi.

"And then maybe they saw what I saw. Mabait naman 'yung tao, he's very caring, he's very protective, he's a gentleman. So I guess they saw that. Knowing my kids, if maybe they have felt that it would've been otherwise, sasabihin naman nila sa akin eh."

WATCH: Lotlot de Leon, ibinahagi ang istorya ng kanyang engagement kay Fadi El Soury

Naging emosyonal naman si Lotlot pagdating sa usapin ng kanyang mga anak.

Ani ni Lotlot, "Parang lahat ng naging mali sa buhay ko, sila ang nagtama. Sila lang talaga...Kung if I had more to give, I would for my children."

Itinuturing ni Lotlot na blessing ang kanyang mga anak.

"I'm so grateful to God talaga and they're such a blessing. They're a blessing to me. Talagang suwerte ko na tao to have them."