GMA Logo Lotlot de Leon, Five Breakups and a Romance
Courtesy: Clare Cabudil, GMA Network
What's Hot

Lotlot de Leon, inilarawan ang 'Five Breakups and a Romance'

By EJ Chua
Published October 19, 2023 4:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking sinisante umano dahil sa droga, tinangay ang SUV ng dating amo; nakabangga pa bago nahuli
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Lotlot de Leon, Five Breakups and a Romance


Itinuturing ni Lotlot de Leon na perfect at blessing ang 2023 film na 'Five Breakups and a Romance.'

Nito lamang October 18, nagsimula nang ipalabas sa cinemas nationwide ang 2023 film na Five Breakups and a Romance.

Ang romance-drama movie na ito ay pinagbibidahan nina Alden Richards at Julia Montes.

Bukod sa kanila, ilang mahuhusay na aktor din ang parte ng cast nito.

Isa na rito ang veteran actress na si Lotlot de Leon.

Sa isang panayam, masayang ibinahagi ni Lotlot ang pasasalamat niya para sa mga naging parte ng pagbuo ng pelikula.

Pahayag ng aktres, “Salamat Myriad, Cornerstone, and GMA for putting up such a beautiful story of course headed by our director, Direk Irene.”

Kasunod nito, inilarawan niya rin ang kanilang proyekto, “Perfect na perfect itong ginawa ninyo.”

Bukod pa rito, ibinahagi niya rin kung ano ang masasabi niya tungkol sa kanyang co-stars at mga nakatrabaho para sa palabas na ito.

Sabi ni Lotlot, “How was it working with all of them? They are generous, talented people, so it's a blessing.”

Bukod kay Lotlot, kabilang din sa cast ang seasoned actress na si Jackie Lou Blanco, Sparkle stars na sina Gil Cuerva, Michael Sager, Roxie Smith, at marami pang iba.

Huwag nang magpahuli, punta na sa pinakamalapit na sinehan at panoorin ang Five Breakups and a Romance.