
Pinapalitan ni Lotlot De Leon ang nasirang lapida ng kanyang inang si Superstar Nora Aunor sa Libingan ng mga Bayani, ilang araw bago magsimula ang undas.
Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi ni Lotlot na nakita niyang may sira ang lapida ng kanilang mommy noong bisitahin niya ito noong nakaraang linggo.
“Nasa LNMB po kase ako the last week and nakita ko nagkaruon po ng sira yung lapida.. so tinawagan ko agad si Maricel of Leciram Stone Enterprise at nakiusap ako kung pwede mapalitan agad bago mag undas.. and true to her word nagawa agad,” sabi ni Lotlot
Nagbigay din ng munting paalala ang aktres para sa fans at iba pang mga dadalaw kay Nora ngayong undas.
“Sa mga dadalaw po ngayong undas sa mommy, makikiusap po ako na sabay-sabay nating maalagan at protektahan at laging iingatan ang kanyang puntod para po mapanatili ang kaayusan nito ” sulat ni Lotlot.
Matatandaan na Abril ngayong taon nang pumanaw si Nora sa eded na 71. Inanunsyo ito ng kaniyang anak na si Ian De Leon sa social media platforms. Ang National Artist ay inilibing noong April 22 sa Libingan ng mga Bayani.
BALIKAN ANG NAGING TRIBUTE NINA LOTLOT AT MATET KAY NORA SA GALLERY NA ITO: