
May ikinuwento si Lotlot de Leon tungkol sa pamilya sa kanilang pagsabak sa Family Feud.
Inilahad ito ni Lotlot pagkatapos nilang manalo sa tapatan nila ng Aquino family ngayong July 9.
Saad ni Lotlot, "Iba talaga 'pag sumusunod ka sa pamilya mo. 'Yung puso mo 'pag nandoon, maganda lagi ang sagot."
Dugtong pa ni Lotlot, "Family is everything."
Sa Family Feud episode na ito, nagkasama-sama ang mga anak at apo ng National Artist na si Nora Aunor. Kasama ni Lotlot si Matet de Leon, ang non-showbiz brother na si Kenneth de Leon, at ang bunsong anak ni Lotlot na si Maxine Gutierrez.
RELATED CONTENT: Everything we know about the Nora Aunor inheritance issue and the De Leon siblings' rift