
Si award-winning actress Lotlot de Leon ang bibida sa upcoming episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents na pinamagatang "My Last Chance."
Gaganap siya dito bilang Mardie, isang babaeng inilaan ang buong buhay sa pag-aalaga ng biyudang ina.
Dahil dito, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na bumuo ng sariling pamilya.
Pero tila magkakaroon ng pangalawang pagkakataon sa pag-ibig si Mardie nang magbalik ang childhood sweetheart niyang si Rene, gagampanan ni Marcus Madrigal. Malalaman din niyang isa na itong biyudo.
Lubos daw na-touch si Lotlot nang mabasa niya ang kuwento ng episode. Kaya naman sigurado siyang marami ring manonood ang makaka-relate dito.
"Iba ang kurot nitong storyang ito sa puso ko. Script reading palang sa Zoom namin umiiyak na ako," sulat niya sa kaniyang Instagram account.
Nagpasalamat din si Lotlot sa mga gumabay sa kaniya sa pagganap ng karakter ni Mardie sa emosyonal na episode na ito.
"Gusto ko magpasalamat kay Direk Cris sa pag-alalay sa akin para maitawid ito ng maayos, at kay Ms. Roselle Monteverde sa tiwala at pagpili sa akin na magampanan ito," aniya.
Abangan ang natatanging pagganap ni Lotlot de Leon sa brand new episode na "My Last Chance," August 28, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: