GMA Logo lotlot matet kiko and kenneth de leon
What's Hot

Lotlot, Matet, Kiko, Kenneth de Leon feels blessed to have Nora Aunor as a mom

By Kristian Eric Javier
Published April 21, 2025 5:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation builds four new classrooms in Bohol this year
Balitang Bisdak: December 15, 2025 [HD]
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

lotlot matet kiko and kenneth de leon


Ayon kay Matet, ayaw ng kanilang yumaong inang si Nora Aunor na tinatawag silang ampon: "Tayo, anak niya sa heart.”

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na apat sa mga anak ni Superstar Nora Aunor na sina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon ay hindi niya tunay na anak. Ngunit sabi ni Matet, ayaw na ayaw umano ng kaniylang yumaong ina na tinatawag silang ampon.

Sa panayam ni Nora sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong Sept 28, 2014, sinabi ng batikang aktres na ang mga inampon niya noon ay mga batang dinala sa bahay niya.

“'Yung mga tao o 'yung mga bata na dinadala sa iyo, para bang magi-guilty ka kung hindi mo tatanggapin kasi kung halimbawa mabalitaan mo, hindi mo tinanggap at nabalitaan mo na ganito ang nangyari, hindi maganda ang nangyari sa mga bata, konsensya mo kung bakit hindi mo tinanggap,” sabi ni Nora.

Sa panayam naman nila Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth sa April 20 episode ng KMJS, binanggit ni Matet ang mga “mahilig tumawag sa amin na mga ampon.” Ngunit bago pa niya nakumpleto ang sasabihin, sinabi ni Lotlot na hindi naman sila ampon.

Biro pa ni Ian, dahil siya lang ang hindi mestizo sa kanilang magkakapatid ay siya pa yata ang ampon sa kanilang lima.

Ngunit ani Matet, “Ayaw niya, never po niyang ipinaramdam sa amin 'yan. Nalaman po kasi namin ampon kami from the helpers. Surprisingly, what ate Lot said, 'yun din ang sinabi ni mommy, same.”

Pag-alala ng aktres sa naging interaksyon nila noon ni Nora, “[Twelve po ako nu'n, 'Matet,' pinatawag na naman, ano na naman kasalanan ko? Si kuya, anak ni mommy. Pero tayo, anak niya sa heart.”

KILALANIN ANG ACCOMPLISHED CHILDREN NI NORA AUNOR DITO:

Samantala, inalala ni Lotlot, ang panahong kinuwestyon niya ang pagiging tunay na anak ni Ian. Ayon sa aktres, tinanong pa niya noon si Nora kung bakit si Ian lang ang galing sa tiyan nito, at sinabing gusto rin niyang manggaling siya kay Nora.

Ngunit sabi umano ng kanilang ina sa kaniya, “'Ikaw, galing ka sa Panginoon, bigay ka sa akin. Si Ian, siya lang 'yung pinagbuntis ko.' But mommy kasi never treated us any differently from Ian.”

Inamin din ni Ian na nasakatan siya na hindi sila pare-pareho na magkakapatid, “Kasi, love na love ko ate ko, e, talagang siya 'yung laging kadikit ko so kinimkim ko 'yun. There was this parang lingering feeling na I'm very thankful na naging ate ko siya.”

“But came along Kiko and Kenneth. Nu'ng malaki na kami, may mga kalaro na ako, may nabu-bully na ako, may napagti-tripan na'ko. Pero sobrang thankful ako kay God na naging part ako ng mga buhay nila through our mom,” pagpapatuloy ni Ian.

Masasabi naman umano ni Kenneth kung gaano sila ka-blessed na naging mga anak ni Nora.