What's Hot

Louise delos Reyes' battle against weight gain

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 28, 2020 6:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

US Justice Dept releases card mentioning Trump, purportedly from Epstein to Nassar
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



"Ang work ko dine-demand na maging ganito ang hitsura ko, pero sana 'pag outside, I can be as myself." Louise delos Reyes speaks up about her weight gain.
By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Kabi-kabilang intriga ang pinupukol sa former Kambal Sirena star na si Louise delos Reyes nitong mga nagdaang linggo. Andiyan na siya raw diumano ang naging mitsa ng paghihiwalay ni Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Kumalat din ang mga bali-balitang buntis ang Kapuso actress na mariin niyang pinabulaanan. 
 
Kaya nang makapanayam ng GMANetwork.com ang dalaga, hindi naitago nito ang pagkadismaya sa bagong isyu na muling pinupukol kanya: ang pag-gain niya ng weight.

Aniya, masyadong mataas ang expectations ng publiko lalong-lalo na sa mga female celebrities na para kay Louise ay nakaka-stress. 
 
“Nakaka-stress for an artist ah lalo na for me. Ako kasi as much as possible gusto kong maiba 'yung personal life ko, 'yung life as Louise outside showbizness, and iba si Louise kapag nakikita niyo sa TV.”
 
Dagdag niya, “Ang work ko dine-demand na maging ganito ang hitsura ko, pero sana 'pag outside, I can be as myself.”
 
Alam ni Louise na maraming nakakapansin na nag-gain siya ng weight habang nagbabakasyon kaya determinado siya na ibalik ang kanyang sexy figure. Naghahanda na rin daw siya para sa mga susunod na projects na ibibigay ng Kapuso Network. 
 
“Ngayon na medyo tumaba ako, medyo nag-gain ako ng weight nung nagbakasyon ako [kaya] gusto ko mag-workout talaga uli. Talagang bumalik yung dating figure ko na medyo payat ng konti, medyo toned ng konti. Nagre-ready na rin ako kung ano man projects ang ibibigay nila sa akin.” 
 
Ni-reveal din ni Louise na humuhugot siya ng inspirasyon ngayon sa kanta ni Colbie Caillat na ‘Try.’ Napakaganda raw ng mensahe ng single ni Colbie on women empowerment.
 
“I just wanna share also na may nakita akong video ni Colbie [Caillat]. Mayroon siyang bagong kanta ngayon na ‘Try’ and yung music video niya sobrang empowering for women. Kasi nag-start yung music video na beauty shot as in magaganda silang lahat.
 
“So habang kumakanta sila tinatanggal nila 'yung make-up nila hanggang bare face na lang sila. So sana maging ganun 'yung tingin natin sa ganda. Sana yung purity ng mukha natin, 'yung simplicity na binigay sa atin ni God, yung [natural na] hitsura natin, let’s just [learn to] accept it.”