What's Hot

Louise delos Reyes, may madamdaming pahayag tungkol sa kanyang ina

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 24, 2020 12:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipino teachers face visa delays as US expands social media checks
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang madamdaming mensahe ni Louise para kay Mommy Elvie na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon (May 27).
By CHERRY SUN
 
Tila binagabag ang pagkatao ni Louise delos Reyes nang kamakailan ay may ibang babaeng nagpakilala bilang kanyang tunay na ina.
 
READ: Louise delos Reyes is sure of her true identity
 
Ngayon ay unti-unti nang nakaka-move on ang Kapuso actress mula sa kontrobersiyang ito. Samakatuwid ay nagsulat siya ng isang madamdaming mensahe para sa kanyang Mommy Elvie na nagdiwang ng kaarawan nito kahapon (May 27).
 
 

Mama, Happy Birthday sa'yo. Alam mo nanaman ang birthday message ko sa'yo di ba? Gagamitin ko na lang itong caption na ito para ipakilala sa inyong lahat kung sino ba si Elvie, ang nanay ko. Katulad ng ilang daang libong nanay sa lupalop ng mundo, wala syang ibang hinangad na masama sa akin. Kahit gaano ako kakulit nung bata pa ako hanggang sa lumaki ako, hindi sya sumuko sa akin. Kahit gaano ako kahina kumain nuon never syang tumigil na magluto ng masasarap na pagkain at pakainin ako araw-araw sa St. Augustine kahit hanggang nung nag-highschool ako, kahit medyo dyahe dahil nagdadalaga na ako? Gusto ko dahil sobrang naappreciate ko na may nanay ako na kasabay kumain kada tanghali. Lahat ng suporta ibinigay niya sa akin kahit hindi ko hinihingi sa kanya. Sinasabayan niya ako habang kinikilig sa madaling araw kapag tinetext ako ng crush ko nuon, naging open sya sa ideya na balang araw may magiging nobyo ako at hinayaan niya akong maexperience yun. May mga hindi man kami pagkakaunawaan pero nasunod pa din ako. Isa sa mga bagay na na-take for granted ko, na habang masaya ako sa mga maling desisyon ko, nahihirapan naman ang nanay ko. Pero tinanggap niya yun dahil mahal niya ako, mahal na mahal niya ako. Lahat ng batikos na natanggap niya ng dahil sa akin, tinanggap niya kahit hindi niya deserve. Sinalag niya lahat ng bala na tatama sa akin. Isang ina na gagawin ang lahay maprotektahan ang anak niya. Kaya ngayon, ako naman ang poprotekta sa kanya. Ngayon ako naman ang haharap sa laban para hindi masaktan ang nanay ko. Pwede niyong sabihin ang kahit na anong bagay sa akin, pwede niyong ibato lahat ng issueng maiisip niyo sa akin, masaktan man ako pero kakayanin ko yun. Pero hindi kapag pamilya ang usapan, lalong lalo na sa nanay ko. Ibang usapan kapag siya na. Wala syang kalaban laban sa lahat ng matatalim niyong salita sa kanya, wala kayo sa kahit kalahati ng buhay nya sa lahat ng pinagdaanan niya para magkumento kayo ng ganyan sa kanya. Walang anak ang hindi lalaban para sa magulang niya. Anak din kayo, alam niyo kung saan ako nagmumula. Tinawag silang ilaw ng tahanan, dahil sila ang nagmumulat sa atin kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagmamahal ng walang kapalit.

A photo posted by louise delos reyes ?louloubels (@louise.dr) on

 
“Isa sa mga bagay na na-take for granted ko, na habang masaya ako sa mga maling desisyon ko, nahihirapan naman ang nanay ko. Pero tinanggap niya 'yun dahil mahal niya ako, mahal na mahal niya ako,” bahagi ng kanyang isinulat sa Instagram.
 
“Isang ina na gagawin ang lahat maprotektahan ang anak niya. Kaya ngayon, ako naman ang poprotekta sa kanya. Ngayon ako naman ang haharap sa laban para hindi masaktan ang nanay ko,” patuloy niya.
 
Sa hiwalay na panayam ng 24 Oras, ipinahayag din ni Louise kung gaano siya nagpapasalamat sa pagmamahal at pag-uunawa na ibinigay sa kanya ng kanyang ina.
 
Ayon din sa ulat ay babalik na raw si Louise sa paggawa ng indie film.
 
Aniya, “’Yung pagiging independent ko na nakaka-relate ako mismo. ‘Yun ‘yung masasarap kasi gawin na project, ‘yung nakaka-relate ka and at the same time, ni-re-relate mo sa mga tao ‘yung mga napapagdaanan [mo]. And ‘yung mga dumadaan sa ganung phase, parang makakaisip sila ng solution for themselves.”
 
Video courtesy of GMA News