Celebrity Life

Louise delos Reyes, niyakap ang nagpapakilalang tunay niyang ina

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 26, 2020 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Procession during Holy Week in Malaga
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested
Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Sa ulat ng '24 Oras' noong May 19 ay ipinakitang nagkaharap at nag-usap na ang dalawa. 
By CHERRY SUN

Nauna nang iniulat ng 24 Oras ang kwento ng isang babaeng nagngangalang Morena Ebrada na lumantad at nagsasabing siya ang tunay na ina ni Louise delos Reyes.

Sa ulat ng 24 Oras noong May 19 ay ipinakitang nagkaharap na ang dalawa. Matatanggap kaya ni Louise si Morena bilang nanay niya?

Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ni Morena dahil siyam na buwan pa lamang daw ang aktres nang kanyang huling nakita. Sa tagpong ito ay inulit niya ang kanyang kuwento kung paano nawalay ang kanyang anak sa kanyang piling dahil sa kahirapan.

Panimula niya, “That time po na medyo lumalaki na po siya, nahihirapan na po kami dahil wala akong trabaho na.”

“May pumunta po sa amin, tiyahin po ng barkada ko. Meron daw pong naghahanap na mag-aampon. Binigay na po namin siya para po siya magkaroon ng magandang kinabukasan,” patuloy nito.

Naging mahinahon naman ang naging tugon ni Louise.

Aniya, “My birthday is September 1, 1992 and as far as the people around me know, ‘yung mga tao po talaga na kasama kong lumaki, ipinanganak po ako sa bahay. Ipinanganak po ako sa bahay, ang midwife po, ‘yung komadrona na nagpaanak sa nanay ko, kapitbahay lang po namin.”

Gayunpaman, ibinahagi ng aktres na kaya niyang tanggapin si Morena bilang ina kung mapatunayan nito ang kanyang pahayag.

Sambit ni Louise, “I’m more than willing kasi sino ba namang anak ang kayang itakwil ang isang ina. At kung ‘yun po ang magpapaluwag sa loob ninyo, ibibigay ko po ‘yun sa inyo.”

“Kasi nasasaktan din naman po ako na makita ang isang taong nasasaktan dahil sa akin. Pero hindi ko rin kayang makisimpatiya sa inyo ng sobra dahil inaalagaan ko rin po ‘yung nararamdaman ng pamilya ko, lalong lalo na ng nanay ko,” ipinaliwanag din niya.

Wala mang naging malinaw na konklusyon ang kanilang paghaharap ay yinakap naman ni Louise si Morena. Tinanggap din nito ang regalong stuffed toy ng 'di umano’y ina niya.

 

• live a life you are proud of •

A photo posted by louise delos reyes (@louise.dr) on


“Maraming salamat sa iyo, napatawad mo ako. Alagaan mo na lang ang sarili mo. Pag kailangan mo rin ng ano, nandito lang ako,” pagtatapos na salita ni Morena.