What's Hot

Louise delos Reyes, umani ng papuri sa press con ng ‘Alakdana’

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 10, 2020 6:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Letran ends six-game slump vs. Arellano to capture men's volleyball bronze
Thai artist pami evaluates the cost of heartbreak in a relationship with new single 'cry jar'
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Naging maganda ang feedback ng mga co-stars ni Louise sa kanyang performance so far sa bagong show na ‘Alakdana’ sa kanilang press conference last J
Naging maganda ang feedback ng mga co-stars ni Louise sa kanyang performance so far sa bagong show na ‘Alakdana’ sa kanilang press conference last January 17. Text by Karen de Castro. Photo by Mitch S. Mauricio. stars Ginanap na ang press conference para sa pinakabagong offering ng GMA tuwing hapon, ang Alakdana, na nagtatampok sa tween star na si Louise delos Reyes. Present ang buong cast, who were very excited about their new show. “Sobrang excited na kinakabahan sa magiging feedback naman ng mga tao sa ginawa namin,” says Louise. Todo papuri naman ang mga leading men ni Louise sa kanyang performance sa kanilang taping so far. “[Louise is] very charming, and start pa lang ng career niya so I can’t wait. Alam kong malayo ang mararating niya,” says co-star and one of her leading men Paulo Avelino. “[She’s] very promising.” “Very comfortable na po kaming magtrabaho,” says newcomer and one of Louise’s leading men, Alden Richards. “Lagi siyang ready sa lahat ng bagay.” “She’s pretty, and she’s fun working with so far,” says his leading man Ritchie Paul Gutierrez. Of course, ang kanyang onscreen mother na si Jean Garcia ay todo papuri rin sa kanya. “I believe in Louise. Magaling naman siya. Nakaka-eksena ko siya, at saka mabilis din umiyak, yung mararamdaman mo siya,” reveals Jean. “So itong batang ito, watch out for her. She’s really very good. She’s a good actress.” But it was Direk Mac Alejandre himself who gave the best feedback on Louise bilang isang aktres. “Ako, lagi akong nae-excite kapag naglau-launch ng isang bagong artista at bida sa isang malaking project o sa isang soap. Nae-excite ako kasi ito ang manifestation o pagpapakita ng tiwala ng network na may isang artistang worthy na i-build up. Dahil doon, responsibility now falls upon the show’s production to realize potential seen by the network,” explains Direk Mac. “ Ang maganda dito, I think the network made the right choice kasi kapag napanood ninyo ang mga ginawa namin sa Alakdana, makikita ninyo na ang potential ni Louise ay hindi lamang doon sa puwedeng makita dahil sa kanyang kabigha-bighaning itsura, kundi dahil sa nilalaman ng puso niya.” Dagdag pa niya, “Ang feeling ko, malaki ang hinaharap ni Louise sa industriyang ito dahil marunong siya, magaling siya, dedicated siya at higit sa lahat, alam niya kung ano ang gusto niya. Malinaw ang plano ni Louise sa utak at sa puso niya kung ano ang gusto niyang marating, and in the next couple of months, I think Louise’s career will be very very exciting, kasi willing siya na gawin ang lahat para marating ang mga pangarap niya.” Of course, nakarating kay Louise ang mga papuri na ito galing sa kanyang mga co-stars sa press con, at tila gulat na gulat ang dalaga sa mga praises nila for her performance. “Natuwa naman po ako na maganda yung feedback nila [ng mga castmates sa Alakdana] sa’kin, at aasahan po nila na mas magiging hardworking pa ako para sa project na ito. And thankful,” promises Louise. Abangan si Louise at ang buong cast ng Alakdana as it starts on Monday, January 24, right after Eat Bulaga. Pag-usapan si Louise at ang bagong show na Alakdana sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!