
Tila napuno na si Unang Hirit host Love Añover sa mga basher na palaging kumukutya sa kanyang boses online.
Sa Instagram, ibinahagi ni Love ang isang screenshot na nagpapakita ng komento ng isang netizen na nagsasabing, “Annoying voice everrrrr grrrr.”
Puna ng host, “Annoying comment everrr grrr!!! I am not mad at you or your opinion.
“But, we were all told by our parents, 'When you have nothing good to say, don't say it at all!'”
Sa caption, sinagot ni Love ang lahat ng mga kritikong pumupuna sa boses niya simula noong pumasok siya sa mundo ng showbiz.
Aniya, “I have been told and commented many times in my career as a tv host and reporter… regarding my voice.
“Do I get affected by comments like this one? Or body shaming? No. Sa totoo lang.
“Kasi nga, tenga nila 'yun kaya karapatan nila. Hindi ko eardrum 'yun at hindi ko rin po hawak ang on button ng tv o remote control nila.”
Paliwanag pa ng TV host na hindi bagay sa kanyang personality ang mahinhin na boses.
“Pero guys, boses ko rin ito at bunganga ko rin ito.
“Kung mahinhin ang boses ko, hindi na ako 'yun. Alam niyo ba na kapat pinipilit kong hinaan boses ko, parang gumagasgas somewhere sa lalamunan ko at makati siya kaya nauubo ako.
“At saka, nararamdaman kong bumababa ang saya ko. Ang weird pero ganoon nararamdaman ko.”
Basahin ang kanyang buong post:
Maraming fans, kabilang na si Unang Hirit host Suzi Abrera, ang nagpayo na 'wag na lamang pansinin ni Love ang mga ganitong komento dahil napamahal na sila sa personality at boses niya sa telebisyon.
Saad ni Suzi, “Love you, your voice, and your energy! Happy Sunday Lovella!”
Ani naman ng isang fan, “Hi, Ms. Love! I love your voice ever since! It energizes me and it gives me the strength to face a new day with hope and confidence! Keep it up!”