
Nagbabalik ang dalawang bigating Thai superstars na sina Yaya Urassaya Sperbund at Mark Prin Suparat sa isang kilig series, ang Love At First Night, na mapapanood na sa GMA ngayong October 14.
Sa isang kakaibang pagtatambal, makikilala sina Yaya Urassaya at Mark Prin bilang Apple at Ronan. Makakasama rin nila sa romcom series ang aktor na si Willie Ruengrit McIntosh bilang Rudy.
Tampok sa Love At First Night ang hindi inaasahang pagtatagpo nina Ronan at Apple na nauwi sa isang romantic night.
Pero, paano kung madiskubre ni Ronan na ang babaeng nagustuhan niya ay fiancee na pala ng kanyang ama?
Samahan sina Yaya Urassaya at Mark Prin sa Love At First Night tuwing hapon, simula October 14, 5:10 p.m. sa GMA.
MAS KILALANIN SI YAYA URASSAYA SA GALLERY NA ITO: