GMA Logo love at first read
What's on TV

'Love At First Read' actors, ibinida ang exciting finale week ng series sa GMA Gala 2023

By Jimboy Napoles
Published July 25, 2023 5:34 PM PHT
Updated July 25, 2023 5:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

love at first read


Bukod sa pagrampa ng kanilang mga outfit, ibinida rin ng Love At First Read cast ang mga dapat abangan sa finale week ng series.

Halos kumpletong dumalo ang Love At First Read stars sa ginanap na GMA Gala 2023 kamakailan.

Bukod sa pagrampa ng kanilang mga outfit, ibinida rin nina Therese Malvar, Mariel Pamintuan , at Gueco twins na sin Vito at Kiel Gueco ang exciting finale week ng series.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa apat na cast, ibinahagi nila ang mga dapat pang abangan sa nalalabing mga gabi ng kanilang kilig serye.

“Marami pa kayong aabangan sa huling linggo ng Love At First Read, I'm sure mahu-hook pa kayo rito. Sana suportahan niyo pa rin kami mga Kapuso. Thank you so much,” ani Vito.

Ayon naman kay Therese na gumaganap bilang si Gail sa series, sinabing dapat abangan kung magkakaroon din ba ng happy ending ang kaniyang love story kasama si Risk Pereseo ang karakter naman ni Bruce Roeland.

Aniya, “Happy ending kay Gail? Who knows? Maybe. Parang may namumuo kasi sa past episodes parang 'yung alitan nila napupunta sa ayun ka-sweet-an.”

Biro naman ng kontrabida sa series na si Mariel, ang gumaganap na Sandy, “Naku abangan niyo kung babait ako. Pero tonight mabait ako.”

Nagpasalamat naman si Kiel sa lahat ng sumuporta sa Love At First Read simula sa pilot week hanggang sa kanilang finale.

“Gustong-gusto po naming pasalamatan lahat ng sumuporta sa Luv Is: Love At First Read. Sana po patuloy niyo kaming suportahan hanggang sa dulo,” ani Kiel.

Ang Love At First Read ay ang second installment sa Luv Is series na collaboration project ng GMA at ng Wattpad Webtoon Studios.

Tutukan ang last four kilig days ng Love At First Read, Lunes hanggang Biyernes, bago ang 24 Oras.

SILIPIN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG LOVE AT FIRST READ SA GALLERY NA ITO: