GMA Logo Love At First Read
What's on TV

Love At First Read: Kudos at Angelica muling nagkita!

By Jimboy Napoles
Published July 28, 2023 6:56 PM PHT
Updated July 28, 2023 7:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

David Beckham talks about power of social media, says 'children are allowed to make mistakes'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Love At First Read


Happy ending ba ang kuwento nina Kudos at Angelica? Balikan DITO:

Satisfied ang kilig ng maraming manonood sa happy ending ng love story nina Kudos (Mavy Legaspi) at Angelica (Kyline Alcantara) sa kilig series na Love At First Read.

LOOK: 'LOVE AT FIRST READ' BEHIND THE SCENES

Matatandaan na labis na nasaktan si Angelica nang malaman niyang si Kudos pala ang nakakuha ng kaniyang diary at alam din pala ito ni Gail (Therese Malvar).

Pakiramdam noon ni Angelica ay namanipula siya ni Kudos at ng mga nasa paligid niya at hindi totoo ang destiny.

Dahil dito, matagal na hindi nagkita sina Kudos at Angelica habang pinapahilom ang sakit ng mga pinagdaanan nila.

Bukod dito, hindi na rin naabutan ni Angelica si Kudos patungo ng Japan.

Sa kabilang banda, to the rescue naman sina Gail, Hazel (Pam Prinster) upang ipagtanggol si Angelica sa pang-aagrabyado ni Sandy (Mariel Pamintuan).

Ilang buwan ang nakalipas, habang nasa train si Angelica dala ang kaniyang diary, isang pamilyar na lalaki ang nakabangga niya na may hawak din na isang diary, ang lalaking ito ay walang iba kung 'di si Kudos pala.

Nag-usap ang mga mata ng dalawa at ngumiti sa isa't isa. Ito na ba ang simula ng kanilang "happily ever after?"