GMA Logo valeen montenegro in love die repeat
What's on TV

Love. Die. Repeat: Chloe at Bernard, pumanaw na

By Jansen Ramos
Published March 15, 2024 2:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

14k civilians pass PNP entrance exams, 2,9k cops qualify for promotion
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

valeen montenegro in love die repeat


Sa 'Love. Die. Repeat.,' maibabalik pa kaya ni Angela ang buhay ng kanyang kaibigang si Chloe at asawang si Bernard?

Hindi matapos-tapos ang mga pagsubok na dumadating sa pinag-uusapang suspense drama series sa gabi na Love. Die. Repeat.

Sa nakaraang dalawang episodes ng GMA Prime series, tila nangyari ulit ang itinakdang mangyari sa pagkamatay nina Chloe (Valeen Montenegro) at Bernard (Xian Lim).

Kinitil ni Chloe ang sariling buhay matapos ma-depress dahil namatay ang baby na nasa kanyang sinapupunan dulot ng stress.

Ito ay matapos niyang bisitahin si Bernard sa kulungan ngunit pinagtabuyan din siya nito. Sinisi pa ni Chloe si Angela (Jennylyn Mercado) kung bakit napariwara ang buhay ng asawa nito. Ito na pala ang huling pag-uusap ng dating magkaibigan.

Concerned pa rin si Angela kay Chloe dahil buntis ito kahit pa trinaydor siya nito, kaya kinausap niya si Jessie (Ina Feleo) para kamustahin ang lagay ng kanilang kaibigan.

Nang pumunta si Jessie sa condo ni Chloe, nadatnan niyang walang buhay ang huli matapos itong magpakamatay.

Sa morge, pinatawad ni Angela si Chloe sa lahat ng kasalanan nito sa kanya.

Kasunod ng pagkamatay ng kaibigan, si Bernard naman ang nalagay sa peligro.

Kritikal ang kondisyon ni Bernard matapos mapuruhan sa loob ng kulungan nang saksakin siya ng kapwa niya preso sa tagiliran.

Nanaig naman ang pagiging asawa ni Angela para kay Bernard pero, hindi nagtagal, namatay din ang kanyang mister.

Maibabalik pa kaya ni Angela ang buhay ng kanyang kaibigan at asawa? At ano ang mangyayari sa pagbabalik ni Elton?

Subaybayan sa huling siyam na gabi ng Love. Die. Repeat. na mapapanood weeknights, 8:50 p.m. sa GMA at Pinoy Hits.

Available din ito online via Kapuso Stream kasabay ng pag-ere sa TV.

May replay naman ang serye sa GTV sa oras na 10:50 ng gabi.

Mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group, ang Love. Die. Repeat. ay mula sa direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Irene Villamor.

NARITO ANG IBA PANG MATITINDING EKSENA SA SERYE.