
Bago mapanood ang inaabangang 2022 Christmas Station ID ng GMA Network na "Love is Us this Christmas," mararamdaman na ng mga tao ang diwa ng Pasko dahil available na ang nakakaaliw na digital stickers nito sa online messaging application na Viber.
Layunin ng "Love is Us this Christmas" na ipaalala ang tunay na kahulugan ng salitang LOVE, lalo na ngayong Pasko.
I-download ang "Love Together, Hope Together" sticker pack dito.
Pangungunahan nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera ang Christmas Station ID ng GMA ngayong taon. Makakasama rin nila rito sina Alden Richards, Bea Alonzo, Heart Evangelista, Ms. Jessica Soho, at marami pang Kapuso celebrities at personalities.
Abangan ang GMA Network 2022 Christmas Station ID na "Love is Us this Christmas" sa Linggo, November 6, sa All-Out Sundays.