
Napuno ng nonstop good videos at tawanan ang recent episode ng TBATS On The Go!
Napanood sa naturang episode ang Sparkle actress at comedienne na si Analyn Barro at nakasama pa siya ni Tekla sa segment na “Feng Shui On The Go,” kung saan tampok din ang Feng Shui expert na si Hanz Cua.
Dito ay inalam nila ang kapalaran ni Analyn tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. Kumuha ng baraha ang aktres at ang kanyang napili ay ang The Chariot.
Ayon kay Hanz, mag-focus muna ang aktres sa kanyang karera bago asikasuhin ang love life.
“Ang isinagot ng baraha sa'yo, career daw muna. Masyado ka raw focus sa career. Focus sa trabaho, sa pagpapayaman, sa mga success mo pa sa buhay, sa mga gusto mo pang ma-attain sa buhay. The Chariot Card, sa ngayon, wala munang love life. Sa ngayon daw muna, focus ka muna sa trabaho, pagpapayaman, finances. At maganda naman ito dahil Chariot Card is a positive card. Wala munang love life,” paliwanag ni Master Hanz.
Matapos ito, inalam din nila ang kapalaran ni Tekla sa love life at ang barahang nabunot ng komedyante ay ang Queen of Swords.
“Alam mo sa love life mo, ikaw raw ang humahawak ng relasyon. Queen of Swords, ikaw ang nagpo-provide, marami ka atang sinusuportahan ng mga finances,” paliwanag ni Master Hanz.
Dagdag pa niya, “Sa love life raw, parang 'yung partner na hinahanap mo, 'yung partner mo raw is ikaw daw ang nagpo-provide sa lahat. Queen, ikaw ay queen, Sword is ikaw 'yung tagabigay ng kung ano-ano, kung ano pangangailangan nila.”
Bukod kina Analyn at Tekla, inalam din ang kapalaran ng mga Ka-TBATS tungkol sa karera at love life.
Balikan ang nakaraang episode ng TBATS On The Go! sa video na ito.
Patuloy na subaybayan ang TBATS On The Go! tuwing Linggo, 10:00 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.