GMA Logo GTV movies
What's on TV

'Love Me Again (Land Down Under)' starring Angel Locsin at Piolo Pascual, tampok sa GTV ngayong weekend

By Marah Ruiz
Published July 15, 2022 1:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: UST gains confidence boost ahead of crucial game vs NU
Farm to Table: (April 19, 2026) LIVE
Stories of hope, strength, and new beginnings

Article Inside Page


Showbiz News

GTV movies


Kabilang ang 'Love Me Again (Land Down Under)' starring Angel Locsin at Piolo Pascual sa mga pelikulang mapapanood sa GTV ngayong weekend.

Isang napapanahong pelikula tungkol sa mga pagtupad ng mga pangarap at paghahanap ng oportunidad sa ibang bansa ang tampok ngayong weekend sa GTV.

Tunghayan ang romance drama film na Love Me Again (Land Down Under) starring Angel Locsin and Piolo Pascual.

Gumanap si Angel dito bilang si Arah, isang babaeng naghahangad ng mas magandang buhay para sa kanyang pamilya. Palagay niya, hindi matutupad ang kanyang mga pangarap sa hometown niyang Bukidnon dahil isa-isa nang ngasasara ang mga rancho rito.

Taliwas naman ang paniniwala ng kasintahan niyang si Migo, karakter ni Piolo. Naniniwala kasi siyang babalik ang dating kasaganahan ng Bukidnon kung mananatili rito ang mga tao imbis na maghanap ng ibang trabaho abroad.

Dahil sa aksidente ng kanyang ama, mapipilitan si Arah na tanggapin ang isang work opportunity sa Australia.

Ano ang naghihintay kay Arah sa Australia at ano naman ang mangyayari sa pananatili ni Migo sa Bukidnon?

Abangan ang Love Me Again (Land Down Under), July 16, 9:30 p.m. sa G! Flicks.

Para naman sa mahilig sa martial arts films, panoorin ang The Wrath of Vajra, isang Chinese action flick tungkol sa paghihiganti ng isang assassin.

Abangan ang The Wrath of Vajra, July 16, 12:00 p.m. sa Siesta Fiesta Movies.

Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.