What's on TV

Love Of My Life: Nikolai, pinakasalan din si Kelly sa huli

By Jansen Ramos
Published March 22, 2021 4:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

People gather near a light installation ahead of Vesak Day
Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento marks 16 years with a two-part anniversary special
Sayran nato ang Dagan sa Panahon karong Adlawa May 29, 2026 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

rhian ramos and mikael daez


Balikan ang masayang pagtatapos ng hit GMA Telebabad series na 'Love Of My Life.'

Sa loob ng ilang buwan, natunghayan ang makulay na kwento ng pamilya ni Isabella (Coney Reyes) sa Love Of My Life.

Sa huling episode nito noong Biyernes, March 19, nagpasalamat sina Kelly (Rhian Ramos) at Adelle (Carla Abellana) sa pinili nilang buhay kahit mahirap na palakihin ang kanilang mga anak nang mag-isa.

Sa pag-alis nila sa mansyon, lungkot ang nadama ni Isabella. Kaya naman sa kanyang kaarawan, tanging hiling niya ay muli niyang makasama sina Kelly at Adelle, na itinuring niyang parang mga anak, at kanyang mga apo.

Para mapaligaya si Isabella sa kanyang kaarawan, tinupad ni Nikolai (MIkael Daez) ang hiling ng kanyang ina.

Pinakiusapan niya si Adelle na lumuwas para makasama siya ng kanyang biyenan. Hindi rin akalain ni Nikolai na babalik si Kelly sa mansyon para maki-celebrate sa birthday ni Isabella.

Sa puntong iyon, tila ibinigay na ni Kelly ang kanyang kapatawaran kay Nikolai pagkatapos nitong umurong sa kanilang kasal habang buntis ang una sa kanilang anak.

Naudlot man ang kanilang kasal noon, itinuloy pa rin ni Nikolai ang kanyang pangako kay Kelly at pinili itong pakasalan para mabuo ang kanilang pamilya.

Kapuso, maraming salamat sa pagsubaybay sa Love Of My Life.

Kung nais ninyong balikan ang full episodes ng serye, maaaring mapanood ang Love Of My Life at ibang Kapuso series sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Samantala, simula ngayong Lunes, March 22, mapapanood ang unang installment ng I Can See You Season 2 na "On My Way To You" bilang kapalit ng Love Of My Life sa GMA Telebabad.

Ang bagong mini-series ay pagbibidahan nina Shaira Diaz at Ruru Madrid.

Mapnonood din ang I Can See You sa abroad sa pamamagitan ng flagship international channel ng GMA Network, ang GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Tingnan ang ilang mga eksena sa "On My Way To You" sa gallery na ito: