GMA Logo Love Revolution
What's Hot

'Love Revolution,' mapapanood simula Marso sa GMA!

By Dianne Mariano
Published February 21, 2023 10:31 AM PHT
Updated February 21, 2023 4:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Over 180,000 passengers expected at PITX before Christmas week
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Love Revolution


Abangan ang pinakabagong Lakorn na 'Love Revolution' simula Marso sa GMA.

Simula March 6, mapapanood na ang pinakabagong Lakorn series ng GMA, ang Love Revolution.

Ito ay pinagbibidahan ng mahuhusay na Thai stars na sina Esther Supreeleela bilang Nica/Nick at Son Yuke Songpaisan bilang Ardy/Seifer.

Kabilang din sa cast ng upcoming Thai series na ito sina Boy Chokchai Boonworametee bilang Xander, Group Sasinrat Anusin bilang Lin, at Arm Sukavin Keawpikul bilang Jak.

Ang kuwento ng Love Revolution ay tungkol sa dalawang taong napilitang magpalit ng kanilang pagkakakilanlan dahil sa mga pinagdaanang hirap noong kabataan nila.

Si Nica ay isang ulila na kinupkop ng mayamang pamilya ngunit hiniling ng mga ito na mabuhay ang una bilang si Nick, ang pangalan ng kanilang yumaong anak na lalaki na magiging tagapagmana ng kumpanya.

Tatanggapin ni Nica ang alok sa kondisyon na patuloy nilang tutulungan ang bahay ampunan kung saan siya lumaki. Ipinadala naman si Nica sa ibang bansa para mag-aral bilang paghahanda sa pamamahala sa kumpanya ng kanyang pamilya at maging CEO ng kanilang negosyo.

Samantala, nagpalit din ng pagkakakilanlan si Ardy, ang kaibigan ni Nica sa bahay ampunan, bilang Seifer dahil sa takot na siya ay patayin din ng taong pumatay sa kanyang ina.

Makatatanggap naman sina Seifer at ang dalawa niyang kapwa ulila na sina Lin at Jak ng scholarship mula sa Trilogy family. Matapos ang kanilang pag-aaral, sila ay magsisimulang magtrabaho sa kumpanya ng Bacayagam Group sa ilalim ng pamumuno ni Nick upang suklian ang kanilang kabutihan.

Ano kaya ang mangyayari sa muling pagkikita nina Nick at Seifer? May mabuo kayang pag-iibigan sa dalawa?

Huwag palampasin ang Love Revolution simula March 6, 9:00 a.m., sa GMA.

SAMANTALA, KILALANIN ANG THAI STARS NA NAPANOOD SA HEART OF ASIA SA GALLERY NA ITO.