GMA Logo Son Yuke Songpaisan and Esther Supreeleela
What's Hot

Love Revolution: Nick and Seifer's lives are in danger

By Dianne Mariano
Published May 9, 2023 5:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump wants nations to pay $1 billion to stay on his peace board, report says
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Son Yuke Songpaisan and Esther Supreeleela


Nalagay sa panganib ang buhay nina Seifer at Nick matapos silang atakihin ng mga armadong lalaki. Ano kaya ang mangyayari sa dalawa?

Sa ikasiyam na linggo ng Love Revolution, inilahad na ni Seifer ang kanyang tunay na pagkakakilanlan kay Nick.

Ibinalita rin nina Seifer at Xander kina Nick at Mario na mayroong pinaplano ang kapatid ng huli na si Rody at Gregory ng Intalaweng Group. Sa tingin ni Seifer, ang pinaplano ni Rody ay para sa personal na interes nito.

Narinig naman si Xander sa ospital ang pag-uusap nina Vina at Gregory tungkol sa pagkakaroon ng malay ng ama ni Seifer. Matapos ito, agad na ibinalita ni Xander kay Seifer ang tungkol sa ama nito.

Binisita naman nina Seifer at Nick ang isang doktor para matulungan ang ama ng una tungkol sa kondisyon nito. Matapos ito, nalagay sa peligro ang buhay nina Nick at Seifer matapos silang atakihin ng mga armadong lalaki sa daan at nabaril ang huli sa likod.

Sa kabutihang palad, naging maayos ang kondisyon ni Seifer matapos ang nangyaring pagbaril sa kanya. Sa pag-uusap nina Seifer at Nica, ipinangako ng una na hindi niya hahayaang may manakit sa huli.

Samantala, naabutan ni Vina si Seifer sa loob ng opisina ni Gregory. Inutos ni Vina na ipakita ni Seifer ang nilalaman ng cellphone nito dahil para sa kanya ay kakaiba ang ikinikilos ng huli.

Agad namang binalik ni Vina ang cellphone ni Seifer dahil wala itong nakitang kakaiba.

Subaybayan ang finale week ng Love Revolution, 9:00 a.m., sa GMA.