GMA Logo Nick and Seifer
PHOTO COURTESY: GMA Network
What's Hot

Love Revolution: Nick meets Seifer

By Dianne Mariano
Published March 19, 2023 5:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Nick and Seifer


Ano kaya ang mangyayari sa pagkikita nina Nick at Seifer?

Sa unang linggo ng Love Revolution, ipinakilala si Nick (Esther Supreeleela) bilang ang bagong CEO ng Bacayagam Group.

Sumama si Nick sa kanyang mga magulang upang bisitahin ang isang bahay ampunan, kung saan nakilala nila ang apat na magkakaibigang ulila na sina Lin, Xander, Jack. Muli namang nakita ni Nick ang kanyang kababata sa orphanage na si Seifer (Son Yuke Songpaisan).

In-absorb ng mga magulang ni Nick ang apat na magkakaibigan para magtrabaho sa kanilang kumpanya.

Malaya naman si Nick na naging si Nica nang makauwi siya sa kanyang tahanan sa araw ng kanyang pagpapahinga.

Nakita nina Seifer, Lin, Xander, at Jack ang masamang ugali ng tiyuhin ni Nick na si Rody matapos silang insultuhin nito ngunit agad naman silang pinrotektahan ng kanilang boss.

Nasaksihan naman ni Nick na magkasama sina Seifer at Ingrid Intalaweng, ang successor ng rival company ng Bacayagam Group, sa isang kainan. Tila hindi naman mawala sa isip ni Nick ang pagkikita nina Seifer at Ingrid.

Binisita naman nina Nick at ng kanyang team ang isang village upang kausapin ang mga residente tungkol sa isang apartment project ng Bacayagam Group.

Naging bukas din si Nick sa pakikinig sa mga problemang kinakaharap ng mga residente para magawan ito ng solusyon.

Paano kaya masosolusyunan ni Nick ang mga hamong kinakaharap niya? Subaybayan ang Love Revolution tuwing weekdays, 9:00 a.m., sa GMA.