GMA Logo Son Yuke Songpaisan and Esther Supreeleela
PHOTO COURTESY: GMA Network
What's Hot

Love Revolution: Seifer's discovery

By Dianne Mariano
Published May 6, 2023 8:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Massive fire kills 6 in Pakistan’s Karachi, destroys shopping center
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Son Yuke Songpaisan and Esther Supreeleela


Malalaman na kaya ni Seifer ang tunay na pagkakakilanlan ni Nick?

Sa ikawalong linggo ng Love Revolution, nagsimula na sina Seifer at Xander sa kanilang trabaho sa Intalaweng Group.

Muling nakipagkita rin si Seifer sa ama ni Nick at ibinalitang malapit sina Rody, ang kapatid ng huli, at Raffy ng Intalaweng Group at tila mayroong silang pinagtutulungan na gagawin. Sa pag-uusap ng dalawa, sinabi rin ni Seifer na siya'y nag-aalala na baka mayroong masamang plano si Rody para kay Nick.

Matapos ito ay nakipagkita rin si Seifer kay Nick upang malaman ang impormasyon tungkol sa doktor na gumamot sa kanya noon para matulungan ang ama ni Ingrid. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, nalaman ni Nick na nakawala ang alaga niyang aso na si Lucky mula sa kanyang bahay at tinulungan siya ni Seifer.

Matagumpay naman na nahanap ni Seifer si Lucky sa isang park. Labis din ang saya ni Seifer nang muling makita ang kanyang dating alagang aso.

Samantala, matinding galit ang naramdaman ni Raffy nang ibigay ng kanyang ina kay Gregory ang posisyon niya bilang general manager ng kanilang kumpanya.

Isama naman ni Seifer sina Nick at Lucky sa isang hotel malapit sa beach. Agad namang iniligtas ni Seifer si Nick nang makitang nalulunod ito sa dagat dahil sinasalba nito ang asong si Lucky.

Sa pagligtas ni Seifer kay Nick ay natuklasan ng una na isang babae pala ang huli. Sa pag-uusap ng dalawa, masaya si Seifer na malaman na isa palang babae ang kanyang dating boss.

Matapos malaman ang rebelasyong ito, muling bumisita si Seifer sa opisina ni Nick at dinalhan ito ng masasarap na pagkain.

Ano kaya ang mangyayari sa pagitan nina Seifer at Nick? Subaybayan ang Love Revolution tuwing weekdays, 9:00 a.m., sa GMA.