
May bagong maghahatid ng kilig sa mga Kapuso!
Mapapanood na ang romantic comedy series na Love, Siargao sa GMA simula ngayong September.
Iikot ang istorya kina Jao (Alden Richards) at Kara (Nadine Lustre), na makakaranas ng hiwaga ng isang local legend sa isla na tinatawag na “Siargao Curse.”
Ayon sa legend, ang mga bumibisita sa Siargao ay hindi na umano nakakaalis ng isla o hindi na napipigilang umibig.
Hindi naman napigilan ng fans at viewers na ipakita ang kanilang excitement sa pagdating ng kanilang paboritong serye sa telebisyon.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng fans at viewers sa pagdating ng Love, Siargao sa GMA:
Kasama rin sa cast ng serye sina Kyline Alcantara, Kim Ji Soo, AZ Martinez, Vince Maristela, Coleen Garcia, Gag Lagman, Kakki Teodoro, Adrian Lindayag, at Christopher Diwata.
Umani ng positibong reaksyon ang serye dahil sa natural na chemistry nina Alden at Nadine, na unang napanood sa Viu Philippines noong June 26.
Abangan ang Love, Siargao sa GMA ngayong September!
RELATED GALLERY: Alden Richards and Nadine Lustre show undeniable chemistry in 'Love, Siargao'