GMA Logo alden richards and nadine lustre
Source: Viu Philippines
What's Hot

'Love, Siargao' viewers, excited na sa friends-to-lovers story nina Alden Richards at Nadine Lustre

By Karen Juliane Crucillo
Published August 4, 2026 5:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras: (Part 1) Pananambang sa hotel I IED na inakalang vape, sumabog I Pinsala ng Bagyong Luis, atbp
Residents of Bacolod brgys complain over garbage buildup
Spencer Ozo wants to evoke emotions with 'Intimate Reflections' exhibit

Article Inside Page


Showbiz News

alden richards and nadine lustre


Patuloy na inaabangan ng viewers ang umuusbong na pag-iibigan nina Alden Richards at Nadine Lustre sa 'Love, Siargao.'

Mas tumitindi na ang kilig sa romantic-comedy series na Love, Siargao.

Mula sa pagiging magkaibigan nina Jao (Alden Richards) at Kara (Nadine Lustre), mukhang malapit nang mag-level up ang kanilang samahan at mauwi sa pagiging lovers matapos ang pag-amin ni Jao.

Sa teaser para sa susunod na episode, sisimulan na ni Jao ang panliligaw kay Kara at bibigyan pa niya ito ng "just because" flowers. Magkakaroon din ng masayang pagdiriwang para sa anniversary ng Katig.

Agad namang nag-react ang viewers at fans sa friends-to-lovers trope nina Jao at Kara. Marami rin ang nagpahayag ng kanilang kilig sa chemistry nina Alden at Nadine at ibinahagi ang kanilang excitement para sa susunod na kabanata ng relasyon ng kanilang mga karakter sa serye.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng viewers sa namumuong pag-iibigan nina Jao at Kara:

Ang Love, Siargao ay collaborative project ng Viu Philippines, Viva Entertainment, at GMA Network. Ito ay mapapanood tuwing Biyernes at Sabado, 6 p.m., sa Viu Philippines.

RELATED GALLERY: Alden Richards and Nadine Lustre show undeniable chemistry in Love, Siargao