What's on TV

Love square ng magkakapatid, tampok sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published May 15, 2025 7:37 PM PHT
Updated May 16, 2025 11:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Gabe Norwood’s final buzzer comes as Rain or Shine campaign ends in QF
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Magpakailanman


Tampok sina Kelvin Miranda, Arra San Agustin, Liezel Lopez, at Thea Tolentino sa love square sa bagong episode ng 'Magpakailanman.'

Sina Kapuso stars Kelvin Miranda, Arra San Agustin, Liezel Lopez, at Thea Tolentino ang bibida sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Matutunghayan ang kakaibang love square sa episode na pinamagatang "3 Sisters, 1 Lover."


Gaganap dito Kelvin bilang George, lalaking magkakaroon ng tatlong girlfriend na hindi niya alam na magkakapatid pala.

Si Arra ay ang panganay na si Chicha, si Liezel ay si Rhea, habang si Thea ang bunsong si Lelet. Lumaki nang magkakahiwalay ang tatlo dahil sa problema sa kanilang pamilya.

Nang malaman nina Chicha at Rhea na ang dating kasintahan nilang si George ang boyfriend na bunso nilang si Lelet, hindi sila magiging pabor sa relasyong ito.

Sino nga ba kina Chicha, Rhea, at Lelet ang tunay na mahal ni George?

Bukod kina Kelvin, Arra, Liezel, at Thea, bahagi rin ng episode ang aktor na si Leandro Baldemor.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:


Abangan ang brand-new episode na "3 Sisters, 1 Lover," May 17, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.