
“What's meant to be will always find a way.”
'Yan ang pinatunayan ng love story nina Amy Silvosa at Orly Escovido na sinimulan ang kanilang pag-iibigan noong sila ay teenager pa lamang.
Nagkakilala at naging magkaibigan sina Amy at Orly sa kanilang probinsya, kung saan nagsimula ang kanilang pagmamahalan.
Subalit sinubok ng panahon ang kanilang relasyon nang napilitang magpakasal si Amy sa ibang lalaki. Dahil dito, pansamantalang naudlot ang pagmamahalan nina Amy at Orly at nagkaroon sila ng kani-kanilang pamilya.
Pagkatapos ng apat na dekada, muling nag-krus ang landas nina Amy at Orly. Ngayong “single at available” na ulit silang dalawa, pinagpatuloy nila ang kanilang naudlot na pagmamahalan.
Binigyang buhay nina Ynna Asistio at Ms. Nova Villa si Amy, samantalang sina Mike Tan at Boboy Garovillo naman ang gumanap na Orly. Kasama rin sa pambihirang love story nina Orly at Amy ang dating child star na si BJ Forbes.
Muling mapapanood ang nakakamakhang kwento ng pag-iibigan nina Amy Silvosa at Orly Escovido sa Wagas ngayong Linggo, February 21, pagkatapos ng All-Out Sundays.