What's Hot

Love story na 40 years in the making, mapapanood ngayong November 22 sa 'Wagas'

By Aaron Brennt Eusebio
Published November 20, 2020 11:05 AM PHT
Updated November 23, 2020 10:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

SB19 to headline New Year's Eve countdown in BGC
AICS beneficiaries in Victorias City file plaint vs alleged kickbacks
Farm To Table: Magpapasko na, food explorers!

Article Inside Page


Showbiz News

Mike Tan and Yna Asistio in Wagas


Naniniwala ka ba sa destiny? Kung hindi, papatunayan nina Amy Silvosa at Orly Escovido na kayang ipagpatuloy ang naudlot na pag-ibig, kahit na 40 taon na ang lumipas.

“What's meant to be will always find a way.”

Ayan ang pinatunayan ng love story nina Amy Silvosa at Orly Escovido na sinimulan ang kanilang pag-iibigan noong sila ay teenager pa lamang.

Nagkakilala at naging magkaibigan sina Amy at Orly sa kanilang probinsya, kung saan nagsimula ang kanilang pagmamahalan.

Subalit sinubok ng panahon ang kanilang relasyon nang napilitang magpakasal si Amy sa ibang lalaki. Dahil dito, pansamantalang naudlot ang pagmamahalan nina Amy at Orly at nagkaroon sila ng kani-kanilang pamilya.

Pagkatapos ng apat na dekada, muling nag-krus ang landas nina Amy at Orly. Ngayo'y “single at available” na ulit silang dalawa, pinagpatuloy nila ang kanilang naudlot na pagmamahalan.

Binigyang buhay nina Ynna Asistio at Ms. Nova Villa si Amy, samantalang sina Mike Tan at Boboy Garovillo ang gumanap na Orly. Kasama rin sa pambihirang love story nina Orly at Amy ang dating child star na si BJ Forbes.

Muling mapapanood ang nakakamakhang kwento ng pag-iibigan nina Amy Silvosa at Orly Escovido ngayong Linggo, November 22, sa Wagas pagkatapos ng All-Out Sundays.