What's Hot

Love story ni Chef Boy Logro, mapapanood ngayong November 15 sa 'Wagas'

By Aaron Brennt Eusebio
Published November 13, 2020 10:19 AM PHT
Updated November 14, 2020 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation constructs bridge in Rodriguez, Rizal
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Chef Boy and Ermilinda Logro love story


Balikan ang pag-iibigan nina Chef Boy at Ermilinda Logro sa 'Wagas' ngayong Linggo, November 8, pagkatapos ng 'All-Out Sundays.'

Hindi lang Idol sa Kusina ang world-class chef na si Chef Boy Logro dahil mula noon hanggang ngayon ay isang babae ang kanyang minamahal: ang kanyang asawang si Ermilinda Logro.

Noong 2013, binigyang buhay nina Pekto at Isabel Oli sina Chef Boy at Ermilinda noong itinampok ang kanilang pag-iibigan sa drama romance anthology na Wagas.

Ginampanan ni Pekto ang world-class chef na si Boy Logro samantalang si Isabel Oli naman ang kanyang asawang si Ermilinda.

Noong bata pa si Chef Boy, na-trauma siya sa pagiging womanizer ng kanyang ama kaya ipinangako niya na magiging loyal at faithful siya kapag nakita na niya ang babaeng mahahalin niya.

Dahil sa kahirapan, pumunta si Chef Boy sa Maynila mula Samar upang magtrabaho bilang tagahugas ng pinggan, bago siya na-promote bilang cook. Dito, nakilala niya ang kanyang first love na si Mely.

Hindi pa rin sapat ang kinikita ni Chef Boy sa Maynila kaya kinailangan niyang pumunta sa ibang bansa, kung saan nakilala siya bilang magaling na chef.

Kahit na sikat na siya at sapat na ang kanyang kinikitang pera, tinupad niya pa rin ang kanyang pangako na maging mabuting asawa kay Mely at sa kanilang mga anak.

Paano kaya nila nalampasan ang mga pagsubok sa kanilang pagmamahalan?

Balikan ang pag-iibigan nina Chef Boy ar Ermilinda Logro sa Wagas ngayong Linggo, November 8, pagkatapos ng All-Out Sundays.